Excited ang manonood ng late night talk show ni Jimmy Kimmel.
Lahat inabangan ang guesting ni Pinoy boxing superstar Manny Pacquiao.
Ito na ang pang-apat na bisita ni Pacman sa show ni Kimmel na regular na niyang ginagawa bago ang laban.
“I think it’s some kind of lucky because I always come here before my fights,” sabi ni Pacquiao.
Umpisa pa lang ng interview, enjoy na ang mga fans.
Ayon kay Pacman, handa-handang na siya para sa bakbakan nila ni Mosley.
Kimmel: "If he said ‘Hey we are gonna have the fight right now instead of a week from now,’ would you do it? Would you be ready?"
"It’s okay," ayon naman kay Pacquiao.
Naging topic din ng interview ang paghaharap nina Pacman at US President Barack Obama noong Pebrero.
“I told him, 'Mr. President how did you like basketball?' ‘Oh I also like boxing, I’m always watching boxing.’ I tried to invite him in Las Vegas but he said ‘I can’t come but definitely I’m going to watch in pay-per- view,’” kuwento ni Pacquiao.
Ang mas inabangan ng lahat ay ang bagong CD ni Pacman na inilabas sa Amerika kasama ang composer na si Dan Hill.
Todo hiyawan ang mga fans nang mapanood ang kantahan nila ng nagpasikat ng '70s hit na “Sometimes When We Touch.”
Ipinakita rin ang behind-the-scenes ng kanilang recording.
Sa dressing room, ipinakita rin ni Manny ang bago niyang singsing na may logo niya.
Limited at special edition ito kaya konti lang ang puwdeng makabili.
Bukas, muling sasabak sa matinding ensayo si Pacman para lalo pang paghandaan ang bakbakan nila ni Mosley sa Mayo.


0 comments:
Post a Comment